bb. "L"
minahal kita...
ibinigay ko sa iyo ang aking puso't kaluluwa.

ang aking lahat-lahat...
alam kong ako'y iyong panakip-butas lamang
sa nasirang pag-ibig na gustong kalimutan.
pusong gustong maghilom,
lumapit sa aking kalinga.
pinaligaya, inaruga, at pinagsilbihan
kahit ito ay panandalian lamang.
ininda ko ang sakit ng puso kong martir,
pilit na kinalimutan na ako'y isang babaeng bayaran
na umibig sa isang taong edukado at mayaman.
nung ikaw ay lumisan,
ako ay nalugmok at nasaktan,
pero lihim na napapangiti
sa tuwing naaalala ang mga nagdaan...
sa dalawang gabing iyon,
ikaw ay akin at ako ay sa iyo...
sa dalawang gabing iyon,
napawi ang ating kalungkutan
at kinalimutan ang mga sakit
na sa ating puso ay dumadagan...
sa dalawang gabing iyon,
tayo ay maligaya sa piling ng bawat isa...
ang aking mga pinakamagaganda at pinakamasasayang gabi
iyon ay ang kapiling ka, Pepe...
ang aking pinakamamahal na Pepe...
