Mambobolang mga Lalake
ako ay naglalakad sa parke
nagpapahangin at nagmumuni-muni.
ng mapadaan sa iyong kinauupuan,
dito'y nagising ang iyong kamalayan
sa aking taglay na kagandahan.
ikaw ay nagpakilala sa akin
pinamalas ang talentong angkin,
mga matatamis na salita
nagsasabing ikaw ay isang bolerong binata.
walang pag-aalinlangang sinagot ng oo
ngunit ng lumaon ay nakahanap ng bago
akala mo siguro'y ako'y masasaktan
sa ginawang pagtataksil na sinasabing ako'y walang alam.
bakit kailangang kong magsayang ng luha
sa lalaking hindi naman kagwapuhan?
bulag ka ba at hindi mo makita
ang mga lalaking pumipila sa aking harapan?
marahil sa taglay mong katangahan
nag-iisa at walang katulad na diyosa ang iyong pinakawalan.
ngayon ikaw ay gustong bumalik sa akin
inaasam na ako'y muling makapiling.
pilit na pinipigilang matawa
sa iyong mga nakakaawang ginagawa.
ikaw ay napakadesperado
makamit lamang ang matamis kong oo
ngunit ako'y hindi bobo
na papatol pang muli sa lalaking kagaya mo...

