Mapanlinlang
Iniibig kita
Ikaw lamang ang nag-iisa
Puso'y laan sa iyo
Pati kaluluwa at buhay ko
Ika'y aking pagsisilbihan
Susuungin kahit kamatayan
Lahat ay aking gagawin
Masunod lamang ang iyong mga hiling
Wala nang hihigit pa sa iyo
Dito sa puso kong hindi nagbabago
Ikaw lamang, O aking sinta
Ang pakamamahalin at iingatan sa t'wina
Ako'y tao lamang at hindi perpekto
Ngunit hiling ko lamang ay ang matanggap mo
Normal naman ako at hindi rin naaaning
Malas ko lamang at ako'y ipinanganak na sinungaling..
Labels: lying heart, mambobola, sinungaling
