exiled..(i dont know what appropriate tagalog title would fit this.)
Pagbigyan nyo na siya!
Ilang beses ba siya manghihingi?
magmamakaawa?
madudurog?
Ilang beses pa?
Kulang pa ba ang higit sa isang libong beses ng sakit?
Kulang pa ba ang walang katapusang hirap at pagdurusa?
Pagbigyan nyo na siya!
Bulag ba kayo at hindi nyo makita
Ang kanyang mga sugat at mga naglalakihang pasa?
Bingi ba kayo at hindi kayo makarinig
Sa kanyang mga nakakasawang iyak at daing?
Pagbigyan nyo na siya!
Yan lamang ang tangi niyang hiling.
Pagbigyan nyo na siya...
Kamatayan lamang at tatahimik din
Ang kanyang kaluluwa..

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home